3 tech companies, magiging katuwang ng COMELEC sa 2025 Midterm Elections

3 tech companies, magiging katuwang ng COMELEC sa 2025 Midterm Elections

MAGIGING katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa misinformation ngayong 2025 midterm polls ang Microsoft, Meta at Google.

Sa kasalukuyan ay isinasapinal na lang ng COMELEC ang partnership sa pagitan ng tatlong tech companies.

Maliban sa laban kontra misinformation ay tutulong din ang tatlong tech companies sa pagsasagawa ng voters education.

Samantala, ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ay nauna nang nagpahayag na tutugisin nila ang nasa likod sa anumang maling impormasyon na ipapakalat kaugnay sa 2025 elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble