Nasa 198.11 meters ang kasalukuyang water level ng Angat o mas mababa ng 0.18 meters kumpara sa nakaraang linggo.
Sa kabila nito ay mas mataas pa rin sa minimum operating level na 180 meters ang tubig sa Angat.
Samantala, ang Ipo Dam ay nasa 100.07 meters mula sa 100.72 meters noong nakaraang linggo.
Ang Angat at Ipo Dam ang dalawa sa pinagkukunan ng suplay ng tubig para sa Metro Manila.