NADAGDAGAN man ang tubig sa mga dam ngayong sunod-sunod ang bagyo at mga pag-ulan ay kukulangin pa rin ito.
Ito ang sinabi ni National Water Resources Board Executive Director Dr. Sevillo David, Jr. sa panayam ng SMNI News.
Partikular na tinukoy dito ng opisyal ang lebel ng tubig ng Angat Dam na nanganganib sa epekto ng El Niño.
Dahil dito, payo ni David sa publiko na magtipid pa rin ng tubig.
Sa ngayon, umaasa ni David na aabot sa 210 meters ang water level ng Angat Dam bago matapos ang taon.
Sa huling tala naman ay nasa 195 meters na ang water level ng Angat Dam.
Pero inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng dadalang na ang mga pag-ulan sa huling quarter ng taon dahil sa El Niño.