POSIBLENG mabubuo sa pagitan ng Disyembre at Enero ang isang ‘Weak La Niña’.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tinatayang mananatili ito sa buong first quarter ng taong 2025.
Kasabay rito ay sinabi na rin ng state weather bureau na magkakaroon ng ‘above normal’ rainfall ngayong Disyembre.
Magiging sanhi ng mga pag-ulan ang hanging Amihan, posibleng mga bagyo at localized thunderstorms.
Hinggil sa bagyo, posibleng isa hanggang dalawa ang aasahan na tatama sa susunod na buwan ayon sa PAGASA.