Weightlifter Igor Son, “banned” ng walong taon

Weightlifter Igor Son, “banned” ng walong taon

“BANNED” na sa loob ng walong taon ang 2021 Tokyo Olympics bronze medalist na si Igor Son, isang weightlifter mula sa Kazakhstan.

Ayon sa weightlifting federation ng bansa, itoy dahil sa doping o paggamit ng mga illegal substance.

Hindi naman tatanggalin ng Kazakhstan ang medalya ni Son.

Isa si Son sa mga weightlifter na nakatanggap ng doping ban matapos nagpositibo ito sa illegal substance noong March 2022.

Taong 2015 ay nagkaroon na rin ito ng 7 buwang suspension matapos nagpositibo naman sa steroid methandienone at tinanggalan din ang kanyang gold medal mula sa youth world championship.

Ang bansang Kazakhstan ay nakailang beses nang natanggalan ng Olympic weightlifting medals gaya ng anim na ginto mula taong 2008, 2012 at 2016 dahil sa anti-doping rule violations.

 

Follow SMNI News on Twitter