HINDI imposible na magpadala ng tropang militar sa Ukraine ang Western countries.
Ito ang sinabi ni French President Emmanuel Macron subalit wala naman itong ibinigay na detalye kung kailan mangyayari.
Matatandaang ipinangako na ng European Union na hindi sila titigil sa pagtulong sa Ukraine na nahaharap sa isang digmaan sa Russia simula pa noong 2022.
Sa katunayan, magbibigay ito ng halos 170 libong artillery shells sa Kyiv sa huling bahagi ng Marso 2024.