WHO: HIV crisis sa Pilipinas, dapat ituring na health emergency

WHO: HIV crisis sa Pilipinas, dapat ituring na health emergency

SA harap ng mabilis na pagdami ng HIV cases sa bansa, kinilala ng World Health Organization at UNAIDS ang Pilipinas bilang may pinakamabilis na pagkalat ng HIV sa buong Asia-Pacific.

Dahil dito, nananawagan ang Department of Health ng mas agresibong tugon mula sa gobyerno.

Ayon sa pinakahuling ulat, nasa mahigit 252,800 na ang bilang ng mga Pilipinong may HIV ngayong 2025.

Tumaas ito ng 550% mula 4,400 cases noong 2010 — patungong 29,600 cases noong 2024.

Pinakamarami sa mga bagong kaso ay mula sa kabataang edad 15 hanggang 24 — halos isang-katlo ng mga bagong infection ngayong taon.

Malayo pa rin ang Pilipinas sa international target ng UNAIDS na “95-95-95”, 95% dapat ay alam ang kanilang HIV status, 95% ay naka-treatment at 95% na may suppressed viral load.

Pero sa ngayon, 66% lang ang naka-ART treatment, at 40% lang ang may kontroladong viral load.

Dahil dito, hinikayat ng WHO at UNAIDS ang Malacañang na maglabas ng Executive Order para ideklarang national public health emergency ang HIV crisis.

Layon nitong palakasin ang testing, gamutan, at education campaigns lalo na sa kabataan.

Sa kasalukuyan, ₱211 million lang o 6% ng ₱3.6 billion HIV budget ang napupunta sa prevention programs.

Kaya nananawagan ang mga eksperto ng mas malaking pondo para sa information drives, access sa test kits at gamot.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble