Winston Casio ng PAOCC, tinanggal sa puwesto

Winston Casio ng PAOCC, tinanggal sa puwesto

TINANGGAL muna sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Director Winston John Casio.

Ang pagkatanggal nito sa puwesto ay upang maipairal ang patas na imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ni Casio sa mistreatment sa isang Pinoy ayon sa sulat mula sa Office of the President.

Ang mistreatment umano ay nangyari habang isinisilbi ang search warrant sa POGO hub na Central One sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31.

Hiniling naman mula kay Casio na magsumite ng paliwanag sa loob ng 24 na oras.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble