SA Ifugao isasagawa ang Women in Sports (WIS) o Laro ng Lahi ngayong May 26 hanggang 29, 2023 ayon sa Philippine Sports Commission (PSC).
Isinagawa na ng PSC ang kanilang ocular inspection at coordination meeting noong February 17 para dito.
Kasama sa magiging sports sa WIS ay Muay Thai, Weightlifting, Boxing, Taekwondo at Wrestling.
Kabilang din ang 10 indigenous games ng Ifugao gaya ng Guyyudan, Kadang-Kadang sa Bao, Dopap Dimanuk, Munbayu, Uggub at iba pa.
Mga babaeng manlalaro ang target na sasali sa nabanggit na sports event dahil ninanais ng PSC na maparami ang female athletes ng bansa.