PORMAL nang binuksan ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Linggo Hulyo 16, ang Women’s Indoor at Para Games Festival bilang bahagi ng maagang paghahanda ng bansa para sa 2024 Asian Indoor and Martial Arts (AIMAG).
Ayon kay Commissioner Olivia “Bong” Coo, isinagawa ito upang mapalakas at magkaisa ang mga female athlete sa bawat laro bilang paghahanda para sa AIMAG.
Ilan sa mga sports na tampok sa festival ang athletics, bowling, chess, fencing, at netball.
Habang dalawang event naman ang para sa para athletes na kinabibilangan ng chess at athletics.