Women’s National Football Team, ‘di nakapasok sa semifinals sa 32nd SEA Games

Women’s National Football Team, ‘di nakapasok sa semifinals sa 32nd SEA Games

HINDI nakapasok ang Women’s National Football Team ng Pilipinas sa semifinals ng 32nd Southeast Asian Games (SEA) Games.

Sa kabila ito ng pagkakaroon ng 2-1 victory kontra sa defending champion na Vietnam.

Sa naganap na laro sa Smart RSN Stadium sa Phnom Penh, Cambodia, mas mataas ang iskor ng Myanmar kompara sa Pilipinas.

Sa record, may 5-1 ang Myanmar kung kaya sila ang nakapasok sa semifinals.

Dahil sa hindi nakapasok sa semifinals ang Women’s National Football Team, maghahanda na sila ngayon para sa 2023 FIFA Women’s World Cup na nakatakda sa Hulyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter