NAKATAKDANG tumungo sa bansa ang South Korean singer-songwriter na si Woodz sa unang pagkakataon para sa concert nito na gaganapin sa June 17.
Inanunsiyo nito sa kaniyang official Twitter account ang mga lungsod at bansa na kasali para sa kanyang upcoming tour na “OO-LI.”
Sisimulan ni Woodz ang tour sa pamamagitan ng isang two-day concert sa Seoul sa may bago ito tumungo sa ibang Asian cities, Mexico, South America at iba pa.
Sa ngayon ay wala pang ibang detalye kung saan ang venue ng concert at kung magkano ang magiging presyo ng tickets nito.
Si Woodz ay sumikat bilang miyembro ng South Korean-Chinese boyband na UNIQ sa ilalim ng Yuehue Entertainment noong 2024.
Noong October 2022 naman ay umalis si Woodz sa Yuehua Entertainment at lumipat sa Edam Entertainment na home agency ng K-pop superstar na si IU at aktres na si Shin Se-Kyung.