South Korean gov’t nagpadala ng emergency rescue teams, medical supplies sa Turkey

South Korean gov’t nagpadala ng emergency rescue teams, medical supplies sa Turkey

NAGPADALA na si South Korean President Yoon Seok-Yeol ng 60-person search and rescue team at emergency medical supplies para sa mga lubhang apektado ng malakas na pagyanig ng lindol sa Turkey.

Sa pahayag na inilabas ng Office of the President, inutusan ni President Yoon ang National Security Office at Ministry of Foreign Affairs na makipag-ugnayan agad sa Turkiye authorities.

Sa isang Twitter post ni President Yoon, nagpaabot ang pangulo ng pakikiramay at tiniyak na tutulungan ang Turkiye.

Matatandaang yumanig ang isang magnitude 7.8 na lindol sa timog-silangang bahagi ng Turkey nitong Enero 6, kung saan, batay sa pinaka huling tala, nasa higit apat na libong katao na ang nasawi habang halos nasa 18,000 na ang sugatan.

Iniulat naman ng pamahalaan na tatlong myembro na ang unang ipinadala bilang advance party ng emergency relief team kagabi sa Turkey.

Follow SMNI NEWS in Twitter