BILANG paghahanda sa long weekend, magpapatupad ng work-from-home arrangement ang mga tanggapan ng pamahalaan ngayong araw, Miyerkules, Abril 16, 2025.
Ito’y alinsunod sa Memorandum Circular No. 81.
Suspendido ang trabaho mula 12:00 pm para sa maayos na pagbiyahe ng mga kawani sa iba’t ibang rehiyon sa Mahal na Araw.
Samantala, nakasalalay naman sa desisyon ng kani-kanilang mga employer ang WFH arrangement at suspensiyon ng trabaho para sa mga pribadong kompanya at opisina.