WPS Gallery ng AFP, opisyal nang binuksan sa Camp Aguinaldo

WPS Gallery ng AFP, opisyal nang binuksan sa Camp Aguinaldo

OPISYAL nang binuksan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City ang pinakabagong West Philippine Sea (WPS) Gallery.

Tinaguriang “Territorial Defense Operations Gallery” ang lugar na layong ipaalam ang mga naging operasyon ng AFP sa mga islang pag-aari ng bansa.

Gamit ang Pedro Murillo Velarde’s Map ng 1974, makikita rito ang mga islang nakapaloob sa exclusive economic zone ng bansa kabilang na ang Parola Island, Pag-asa Island, Kota Island, Panata Island, Patag Island, Lawak Island, Rizal Reef, Ayungin Shoal, at Likas Island.

Sa nasabing gallery ay ipinakikilala rito ang makabagong pakikipaglaban ng Pilipinas sa kalayaan mula sa mga nais sakupin ang mga teritoryo ng bansa.

Ito ang karagatan, karapatan, at kinabukasan na kailangang ipaglaban ng bayan para kamulatan ng susunod na henerasyon ng mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble