WALA nang bisa ang yellow card ng may address sa 10 EMBO barangay simula Enero 1, 2024.
Batay sa anunsiyo ng Makati LGU, maaari lamang itong gamitin ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod ng Makati na nakatira sa naturang mga barangay.
Bukod dito, epektibo rin nitong Enero 1 ang pagsasara ng mga health center at lying-in clinics na nasa 10 EMBO barangays dahil expired na ang license to operate ng mga ito.
Ang naturang desisyon ng Makati LGU ay alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.
Matatandaan na ang 10 EMBO barangays ng Makati ay kasalukuyan nang sakop ng Taguig.