DOTr at LTFRB, tiniyak na may sapat na bilang ng PUVs sa 2024 sa gitna ng Dec. 31 consolidation deadline

DOTr at LTFRB, tiniyak na may sapat na bilang ng PUVs sa 2024 sa gitna ng Dec. 31 consolidation deadline

TITIYAKIN ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mananatiling sapat ang bilang ng public utility vehicles (PUVs) sa 2024.

Sa gitna ito ng nakatakdang December 31 deadline ng consolidation ng jeepney operators bilang bahagi ng PUV modernization program.

Matatandaang kung hindi makasama sa consolidation ang isang jeep operator, maaaring mawalan ang mga ito ng franchise matapos ang deadline at hindi na makabiyahe.

Sa inilatag na paraan ng DOTr at LTFRB, maaaring makabiyahe ang lahat na sumali sa consolidation pagkatapos ng December 31, 2023 deadline sa kanilang mga ruta sa pamamagitan ng pagkuha ng special permits.

Follow SMNI NEWS on Twitter