NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang iba’t ibang youth organizations ng mga kabataan para kondenahin ang CPP-NPA-NDF.
Ito ay sa ginanap na programa ng NTF-ELCAC na pinamagatang TAGGED: Debunking Lies by Telling The Truth, kahapon.
Nagsama-sama ang iba’t ibang youth organizations para magkaisa na isusulong ang adbokasiya na magkaroon ng mas maayos at mas maunlad na pamayanan.
Isa sa Youth organization na sumusuporta sa League of Youth of the Philippines for Peace and Development (LYPPAD) ay ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na nakikiisa sa adhikain ng pamahalaan na labanan ang insurhensiya.
Maliban sa KKDAT iba’t ibang youth organizations ang nagkaisa para sa layunin na tumulong sa bayan kasama ang NTF-ELCAC, para kondenahin ang CPP-NPA-NDF.
Sama-sama sa pagdedeklara ng suporta sa pamamagitan ng isang Manifesto ang iba’t ibang youth organizations gaya ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Supreme Student Council of the Philippines (SSCP), Indigenous Peoples Youth Movement for Peace and Progress (IPYMPP), the Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization (MIPYO), at Propelling our Inherited Nation Through our Youth Inc. (POINTY).
Dahil dito ay mas lalakas ang laban sa insurhensiya para sa mga kabataan na posibleng maligaw ng landas dahil sa maling idolohiya o turo ng CPP-NPA-NDF.
Ang LYPPAD Movement ay naglalayong makapagbigay ng totoong adbokasiya sa mga kabataan para sa ikauunlad ng bayan.
Naniniwala ang LYPPAD na sa pamamagitan ng legal at maayos na adbokasiya ay makakabuo ng mas mapayapa at mas maunlad na bansa.
Kasama sa isinusulong ng mga ito ay labanan ang lahat ng kalapastanganan na ginagawa ng komunistang teroristang grupo sa mga inosenteng sibilyan at lahat ng masasamang gawain nito gaya na lamang ng paggamit ng mga organisasyon para makapag-recruit ng kabataan para gawing sundalo at mga estudyante sa unibersidad at iba pang pwedeng magamit para labanan ang konstitusyon at ang gobyerno.
Kinokondena rin ng mga ito ang mga idolohiya at heinous crimes na sumisira sa sistema ng lipunan ng bansa.