SUPORTADO ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ang panukala na payagan ang mga bata sa mga pampublikong lugar.
Pinaplano na ng Local Inter-Agency task force for the management of emerging infectious diseases na payagan na ang mga bata ngayong yulitide season dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Local IATF-EID chairperson Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar, sinsuportahan nito ang panukala na payagan na ang mga ito sa mga pampublikong lugar ngayong Disyembre kung ibababa na sa alert level 2 ang estado ng community quarantine.
Aniya, makikita na ng mga bata ang mga multi-million Christmas decorations kung papayagan na ang mga ito na lumabas ngayong Disyembre.
Dagdag pa ni Salazar ang tema ng dekorasyon ng pasko sa syudad ay “Winter Wonderland.”
Sa ngayon, bumabab sa 368 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga.