MAITUTURING na tagumpay ang naging pagbisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Estados Unidos at nakakuha ng pangako ng karagdagang tulong kabilang ang bagong missile defense systems.
Sinabi ni US President Joe Biden kay Zelensky na ipagpapatuloy nilang palakasin ang abilidad ng Ukraine na madepensahan nito ang sarili partikular na sa air defense.
Dagdag ni Biden, ginagamit ni President Bladimir Putin ang winter bilang armas laban sa Ukraine ngunit aniya ay patuloy lamang na binibigyan ng inspirasyon ng Ukrainian ang buong mundo dahil sa kanilang tapang para sa kanilang hinaharap.
Dahil sa pagpupulong na ito, mag-uuwi si Zelensky ng 45 billion dollar package sa Ukraine.