Zelenskyy handang mag-resign bilang pangulo ng Ukraine sa 2 kondisyon

Zelenskyy handang mag-resign bilang pangulo ng Ukraine sa 2 kondisyon

HANDANG mag-resign sa pagiging pangulo ng Ukraine si President Volodymyr Zelenskyy.

Ito ay kung magdudulot ang hakbang ng kapayapaan sa kanilang bansa o kaya’y matatanggap na ang kanilang aplikasyon para maging miyembro ng NATO.

Tugon na rin ito ni Zelenskyy sa pahayag ni US President Donald Trump laban sa kaniya na siya ang sanhi ng nangyayaring digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa kabila ng mga pahayag na ito ni Trump, naniniwala pa rin si Zelenskyy na magkaalyado ang Ukraine at Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble