NANAWAGAN sa isang virtual address sa Japan’s Diet Session kahapon si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na patuloy na magpatupad ng sanction sa Russia.
Pinuri ni Zelenskyy ang Japan bilang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpatupad ng sanction sa Russia.
Inihayag nito na dapat itigil na umano ang anumang trade agreement sa Russia.
Kinakailangan rin umanong mag-withdraw ng mga dayuhang kumpanya mula sa Ukrainian market upang maputol ang daloy ng investment sa Russia.
Matatandaan na naging mahigpit ang Japan sa Russia mula nang magkaroon ng kaguluhan sa Ukraine.
Samantala kaugnay nito ay inanunsyo naman ng Russia na hindi na nito ipagpapatuloy ang Peace Treaty Talks sa Japan ukol sa Kuril Islands.
Nag-withdraw na rin ang Russia sa economic projects nito sa disputed islands dahil sa sanctions ng Tokyo.
Ang speech ni Zelenskyy ay iniulat ng live sa parliamentary hall ng Japan na binubuo ng daan-daang mambabatas kabilang na si Prime Minister Fumio Kishida.