Zero-incident sa FIBA World Cup sa bansa, tiniyak ng NCRPO

Zero-incident sa FIBA World Cup sa bansa, tiniyak ng NCRPO

TINIYAK ni Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Melencio Nartatez, Jr. ang zero-incident sa paparating na mga aktibidad sa bansa.

Una rito ang tuluy-tuloy na paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa paparating na hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup sa darating na Agosto 25 at magtatapos sa Agosto 30.

Kasabay rin dito ang paghahanda ng pamahalaan sa pagbubukas ng pampublikong paaralan sa darating na Agosto 29.

Ayon kay Gen. Nartatez, target ng kaniyang liderato na hindi mabahiran ng iregularidad ang kanilang paghahanda para sa nasabing mga aktibidad gaya ng maayos na pagkakalatag ng seguridad sa katatapos lang na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nitong buwan ng Hulyo at sa matagumpay na pagtatapos ng Palarong Pambansa.

Muling iginiit ng liderato nito na wala sa kaniyang administrasyon ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga kapulisan nito, kasabay ng pakiusap na hindi kultura ng mga pulis ang sumali sa mga maruruming sistema ng trabaho lalo na sa paggamit ng kapangyarihan sa serbisyo.

Samantala, nauna nang sinabi ng PNP na nasa 11-K ang ipakakalat na PNP personnel sa buong bansa sa pagbubukas ng kalse habang mayroon ding mga police assistance desk na itatalaga sa malalapit na lugar kung saan magdaraos ang FIBA World Cup 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble