LUMAPIT ngayong ang tyansa ng Zus Thunderbelles na makapasok sa semifinals ng PVL All-Filipino Conference.
Kasunod ito ng kanilang pagkapanalo laban sa Petro Gazz Angels sa Game 1 ng kanilang quarterfinal series.
Nagwagi ang Zus Coffee via straight set win sa iskor na 25-21, 25-23 at 27-25.
Tila nagulat naman ang Angels sa performance na ipinakita ng Thunderbelles.
Malaking tulong sa panalo ng koponan sina Chai Troncoso, Jovelyn Gonzaga, Thea Gagate, Chinnie Arroyo at Michelle Gamit.
Kung mananalo naman ang Thunderbelles sa Game 2 ng kanilang serye sa Sabado, Marso 22, ito ang magiging kauna-unahang semifinals appearance ng koponan.
Follow SMNI News on Rumble