₱2M halaga ng marijuana at vape products, nasabat sa Mabalacat

₱2M halaga ng marijuana at vape products, nasabat sa Mabalacat

WALANG kawala ang tatlong suspek sa isinagawang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City Police sa Brgy. Bical, Mabalacat City, Pampanga.

Narekober mula sa mga naaresto ang iba’t ibang uri ng ilegal na produktong naglalaman ng marijuana, kabilang ang tuyong dahon, high-grade Kush, vape cartridges, at marijuana oil—lahat ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2M.

Ayon sa imbentaryo ng mga awtoridad, kabilang sa mga nasabat ang:

Ayon kay Police Regional Office 3 Director, PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones, Jr., patuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

“Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng aming walang sawang pagtugis sa mga sindikatong gumagamit ng droga at mga pusher. Kami ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko,” ayon kay PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones, Jr., Police Regional Office 3 Director.

Hinimok din ng PRO3 ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble