Atty. Topacio muling iginiit na dapat magpaliwanag ang DOJ sa paglabas ng fake news laban kay dating Cong. Teves

Atty. Topacio muling iginiit na dapat magpaliwanag ang DOJ sa paglabas ng fake news laban kay dating Cong. Teves

NANINDIGAN at muling iginiit ng kampo ni dating Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr. na dapat magpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) sa pahayag na tinangkang suhulan ng dalawang libong dolyar ng anak ni Teves ang miyembro ng Criminal Investigation Police sa Timor-Leste kapalit ng special treatment.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na nabiktima ng fake news si Justice Secretary Crispin Remulla na siya mismong nagpahayag ng maling balita sa mga mamamahayag.

Nauna nang nilinaw ni Topacio na hindi nanuhol ang anak ni Teves, sa halip ay hiningian ito ng pera ng pulis sa Timor-Leste para mabigyan umano ng special treatment ang ama.

Kinumpirma naman ni Topacio na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa isyu o alegasyon, matapos na iniutos mismo ni Timor-Leste President Ramos Horta na alamin ang katotohanan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble