Bangsamoro Airways, magsisimula na ang maiden flight sa BARMM ngayong linggo

Bangsamoro Airways, magsisimula na ang maiden flight sa BARMM ngayong linggo

MAGSISIMULA na sa Miyerkules, Abril 24 ang kauna-unahang Zamboanga-Sulu Flight ng Bangsamoro Airways.

Ang Bangsamoro Airways sa ilalim ng Maguindanao del Norte-Based Federal Airways Inc. ayon kay Bangsamoro Board of Investments (BBOI) Chair Mohammad Pasigan, tatlong beses kada linggo ang flight nito para sa naturang ruta.

Maliban sa Zamboanga-Sulu ay magkakaroon din ng tatlong beses na flight schedules para sa Sulu-Cotabato Vice Versa at Cotabato-Zamboanga City vice versa.

Magiging susi na ito ayon kay Pasigan para marating ang malalayong lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Magiging hakbang din ito para mapalakas ang ekonomiya at turismo ng rehiyon lalo na’t magbubukas din ito ng flight schedule papuntang Kota Kinabalu, Malaysia matapos ang magiging isang taong operasyon nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble