BOC, DTI at NTC, nagtutulungan para bigyan seguridad ang balikbayan boxes ng OFWs

BOC, DTI at NTC, nagtutulungan para bigyan seguridad ang balikbayan boxes ng OFWs

NAKIKIPAG-ugnayan na ang Bureau of Customs (BOC) sa National Telecommunication Commission (NTC) at Department of Trade Industry (DTI) para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga Pilipino na nasa abroad hinggil sa pagpapadala ng balikbayan boxes sa Pilipinas.

Ayon kay Assistant Commissioner at tagapagsalita ng BOC Atty. Vincent Maronilla, kadalasan na nagiging problema sa pagpapadala ng balikbayan boxes sa bansa ay ang kakulangan sa impormasyon kung ano ang mga hakbang at tamang proseso at requirements.

Lalo ng kung ang mga pinapadalhan na mga consolidator at deconsolidator ay may magandang record sa BOC at DTI.

“Pagdating naman sa balikbayan boxes, mayroon kasi tayong mga consolidators at deconsolidators iyong mga pinagpapadalhan ho nila na may mga reputation na po sana, kumbaga parang may magagandang record na sa Bureau of Customs at sa Department of Trade and Industry. Ino-note ho natin iyan para makatulong sa ating mga kababayan at baka puwedeng tingnan sa mga consolidators at deconsolidators na ito,” pahayag ni Atty. Vincent Philip Maronilla, Assistant Commissioner & Spokesperson, Bureau of Customs.

Isa rin sa mga problema kung bakit ang balikbayan boxes ay naaabandona ay dahil sa paghahanap ng mas mura na consolidators at deconsolidators.

“Para po malaman nila, ano ba talaga iyong mga criteria na dapat tinitingnan nila hindi lang dahil sa mura iyong presyo. Kasi in the long run, ang nagiging problema po natin sa ating mga balikbayan boxes is that, magtitipid po minsan.”

“Pupunta sila sa mas murang consolidator, kung nasaan sila, doon sila magpapadala at itong consolidator na ito, without the necessary reputations and track records, hindi po maasikaso iyong kanilang mga shipment pagdating dito, kaya naabandona po.”

“Gusto po nating iwasan iyon, through an extensive information drive together with the National Telecommunication Commission and the Department of Trade and Industry,” dagdag ni Maronilla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble