NFA, late na kung bumili ng palay; Target na buffer stock, imposibleng maabot—agri group

NFA, late na kung bumili ng palay; Target na buffer stock, imposibleng maabot—agri group

HINDI pa man natatapos ang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) sa kontrobersiyal na maanomalyang pagbebenta ng palay ng National Food Authority (NFA) sa ilang negosyante sa presyong dehado ang gobyerno ay hirap na itong makabili ng palay sa mga magsasaka.

Una na kasing sinabi ni NFA Acting Administrator Larry Lacson na hindi kayang pantayan ng ahensiya ang presyong ibinibenta ng mga magsasaka sa mga trader na pumapalo sa 27-30 pesos kada kilo.

At para matugunan ito, inaprubahan kamakailan ng NFA Council ang panibagong procurement price sa palay na 17-23 pesos/kg para sa sariwa habang 23-30 pesos/kg naman sa tuyo.

Araw ng Lunes, Abril 22 ay sinimulan na ng NFA ang pamimili ng palay sa mga lokal na magsasaka na layong matiyak ang kasapatan ng suplay ng bigas ng NFA.

“Well, it should help the farmers earn more money while we can do buffer stocking,” wika ni Sec. Francisco “Kiko” Laurel Jr., Department of Agriculture.

“Ang impact nito ay madaragdagan kami ng suplay o stocks so it’s nationwide namimili tayo ngayon starting this week. We’re hoping na marami tayong mabibili this week and at kung mayroon pa ay hanggang next week,” ayon kay Larry Lacson, Acting Administrator, NFA.

Pero, pinuna ng Federation of Free Farmers (FFF) ang hakbang na ito ng NFA dahil masyado na aniya late kung mamili ng palay gayong patapos na ang anihan.

Dahil diyan, posibleng…

“Isa pang problema ‘yun to late or a little bit late na no, right now or before nangyari ito they have around 1-day stock level equivalent to 1-day consumption. Palagay ko hindi nila makukuha ‘yung 9-days ngayon even if magpataas sila ng presyo ay kakaunti na lang ang makukuha nila,” saad ni Raul Montemayor, National Manager, FFF.

Paliwanag naman ng NFA, maaari pa ring makahabol sa pamimili ng palay ang ahensiya dahil may ilang probinsiya pang may standing crops.

“Totoo naman halos tapos na we’ve been saying na naghahabol na lang tayo. So, ang akin ay better late than never di ba,” dagdag ni Lacson.

“We will buy as much we can lahat ng available kasi nga mas maganda ang harvest kapag dry season kapag ganitong summer versus the wet season,” aniya.

Batay na rin sa datos ng NFA noong Pebrero, nasa higit 41,000 metriko tonelada o higit pang isang araw na lang ang imbentaryong hawak na buffer stock na bigas ng NFA.

Ito ay malayo sa siyam na araw na minimum requirement na iniimbak ng ahensiya na gagamitin sakaling may tumamang matinding kalamidad sa bansa.

Padaliin ang prosesong pag-aangkat ng agri products na direktiba ni PBBM sa DA, magbibigday-daan sa mga smuggler

Hindi rin nagustuhan ng FFF ang naging utos ni PBBM sa Agriculture Department na madaliin ang prosesong pag-aangkat ng mga produktong agrikultural.

Bukod diyan nais ding bawasan ang customs tariff na nagpapahirap sa kalakalan kabilang ang quota, import licensing system, regulasyon na para sa nasabing grupo ay magbibigay-daan sa mas talamak na smuggling sa bansa.

“Baka lalong dumami ‘yung smuggler no or kung hindi na nila masyadong titingnan ‘yung mga container ay malay natin kung ano ang laman ng mga ‘yan no baka walang quarantine permits. Sa pagmamadali nila na makapasok ‘yung mga kargamento ‘yan sigurado ako na pagsasamantalahan ‘yan ng mga smuggler,” ayon kay Raul Montemayor, National Manager, FFF.

Punto ni Montemayor, hindi importasyon ang sagot para mapababa ang presyo ng mga bilihin kundi ang pagpapalakas sa lokal na produksiyon.

Punto nito, hindi nakatutulong ang payo ng mga economic manager ni PBBM dahil salungat naman ang nangyayari lalo na para sa sektor.

“Nagkaroon daw ng public consultation ‘yung NEDA with importers no. So, that would be one sided ‘yung feedback na nakukuha nila kasi they never consulted the farmers about this or other stakeholders and then na feed nila kay Presidente siguro kaya it making appear na itong ‘yung solusyon para mapababa ang presyo ng mga bilihin. Binobola na naman nila ‘yung Presidente no,” ayon pa kay Montemayor.

Sa ngayon, ay wala pang inilalabas na pahayag ang DA hinggil sa naging kautusan ng Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble