Pagiging positibo umano sa performance-enhancing drugs, itinanggi ni American boxer Ryan Garcia

Pagiging positibo umano sa performance-enhancing drugs, itinanggi ni American boxer Ryan Garcia

PINABULAANAN ng American professional boxer na si Ryan Garcia na gumagamit ito ng performance- enhancing drugs batay sa isang video na nag-viral sa social media.

Kasunod rin ito sa pagkapanalo ni Garcia laban sa kapwa American boxer na si Devin Haney.

Naunang naiulat sa ESPN na positibo si Garcia sa performance-enhancing substance na Ostarine, isang araw bago at sa mismong boxing match ayon sa Voluntary Anti-Doping Association Letter.

Samantala, sakaling makumpirma ay maaaring baliktarin ang pagkapanalo ni Garcia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble