₱57.120-M pondo para sa tulong pang-edukasyon ng mga katutubo, inilabas ng DBM

₱57.120-M pondo para sa tulong pang-edukasyon ng mga katutubo, inilabas ng DBM

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang kaukulang Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng P57.120-M para sa pagpapatupad ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ng Department of Social Welfare and Development – National Commission on Indigenous Peoples (DSWD-NCIP).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang programa ng PAMANA ay naglalayon na isulong ang kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng sigalot sa pamamagitan ng iba’t ibang socio-economic interventions.

Partikular na mapupunta ang pondo sa Educational Assistance Program (EAP) ng PAMANA.

Ang programa ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas sa indigenous communities.

Ito’y sa pamamagitan ng pagtiyak ng access sa de-kalidad na edukasyon at pinahusay na mga oportunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng mga katutubo.

Sakop ng inilabas na pondo ang 1,358 PAMANA-Educational Assistance Program grantees mula sa conflict-affected IP areas sa Caraga Administrative Region (CAR), Regions IV-B, IX, XI, XII, at XIII.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble