NAARESTO ang isang drug surrenderee o dating sumuko matapos ang ginawang buy-bust operation ng mga personahe ng Samar Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Paranas MPS-SDET kasama ang PDEA-8 Samar Provincial Office sa Brgy. 3, Paranas, Samar nitong Hunyo 29, 2023.
Kinilala ang suspek na si Vergilio Bayani alyas “Vergil”.
Nakuha mula sa suspek ang apat na sachets ng suspected shabu na may bigat na 2 gramo na nagkakahalaga ng apat na libong piso.
Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Paranas MPS Lock-up Facility ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.