PASOK para sa World Surf League (WSL) World Longboard Tour ang Pinoy surfer na si Jay-R Esquivel.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sa WSL ang Pinoy.
Sa ulat, si Esquivel ang nanguna sa Padrol Longboard Classic na ginanap sa Bali, Indonesia noong Hunyo 4, 2023 kung kaya nakakuha ito ng spot para sa WSL.
Ito ang dahilan kung bakit nakuha niya ang pangalawang panalo sa Longboard Qualifying Series (LQS).