ISANG siyudad at apat na bayan sa Southern Luzon ang nakapagtala ng malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Aghon.
Base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), simula Mayo 26 araw ng Linggo hanggang alas otso ng umaga ng Mayo 27 araw ng Lunes, nasa 196.9 mm ng tubig-ulan ang bumuhos sa Tayabas City sa lalawigan ng Quezon.
Sumunod ang bayan ng Infanta Quezon na mayroong 147.3 mm na ulan, Casiguran Quezon 91.5, Baler Aurora 91.2 at Tanay Rizal na mayroong 83.8 mm na tubig-ulan sa pagdaan ng Bagyong Aghon.
Kasunod nito, Mayo 28 araw ng Miyerkules ang mga lugar ng Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas ay inaasahang makakaranas ng 50 hanggang 100 mm na rain fall.
Samantala, kahit papalayo na ang Bagyong Aghon sa Pilipinas ay inaasahan pa rin ang malalakas na alon sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon kabilang na ang Polillo Islands.