HINDI na palalawigin ng Department of Justice (DOJ) ang 10 araw na taning na ibinigay sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sagutin ang motion to dismiss na inihain ng kampo ni Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr.
Sa idinaos na preliminary hearing ng DOJ panel of prosecutors para sa murder complaint laban kay Teves, kaugnay sa sinasabing serye ng patayan sa Negros Oriental noong 2019 ay hiniling ng abogado nito na ibasura na ang reklamo ng Philippine National Police (PNP)-CIDG.
Iginiit ng abogado ni Teves na si Atty. Edward Santiago na hindi nagtutugma ang testimonya ng nag-iisang testigo ng pulisya sa kaso.
Naniniwala ang abogado na hindi dumaan sa tamang proseso ang extra judicial confession ng testigo, bukod sa malabo at pawang general allegations lang ang mga reklamo laban sa kaniyang kliyente.