IKINALUNGKOT na ibinahagi ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na nasa 10 mga kabataan bawat araw ang napuputulan ng paa sa Gaza Strip.
Simula ito nang mag-umpisa ang digmaan sa pagitan ng Hamas militant group at Israel noong Oktubre 7, 2023.
Karamihan dito ay isinasagawa na walang anesthesia dahil sa kakulangan ng medical supplies kung kaya’t ang paghihirap ng mga kabataan dito ay “unimaginable” ayon naman kay Save the Children Director Jason Lee.
Sinasabing dahil sa mga sugat na natamo mula sa mga pagsabog, mas maraming bata ang namamatay kumpara sa mga nakatatanda.
Ito’y dahil “underdeveloped” pa ang kanilang mga kalamnan at hindi pa masyadong nabuo ang kanilang mga bungo.
Kasabay pa ng pagkaputol ng kanilang mga paa ay mayroon ding banta sa malnutrisyon at pagkakasakit ang mga bata doon.