Aktibong Anti-Drug Abuse Councils sa bansa, dumarami—PBBM

Aktibong Anti-Drug Abuse Councils sa bansa, dumarami—PBBM

MARAMI nang probinsiya, munisipalidad, at lungsod ang may aktibong Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) noong 2023.

Base sa isang video message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Enero 8, 2024, nasa 50 ang probinsiya; halos isang libo at dalawang daan (1,160) ang munisipalidad; at 30 ang lungsod na epektibong naipatutupad ang kanilang ADACs.

Kasabay pa sa inilatag na datos ng Pangulo ang mahigit 27-K na mga barangay na naideklara nang “drug-cleared”.

Nasa pitumpu (74) rin na rehabilitation facilities ang naipatayo sa bansa noong nakaraang taon para sa mga drug user.

Tinatayang nasa P10.41-B naman ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga noong 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble