IPINAPANUKALA ngayon nina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre na mabigyan ng 10 araw na bereavement leave ang lahat ng mga manggagawa sa pampubliko at pampribadong sektor.
Nakapaloob dito ang proposal na sa kabila ng 10-day bereavement leave ay hindi mababawasan ang kanilang sahod.
Ang bereavement leave sa panukalang House Bill No. 2345 o Bereavement Act of 2022 ay isang leave na maaaring makuha ng isang manggagawa sakaling namatayan ito ng kaanak upang makapag-attend ng lamay o makapagluksa.
Ayon pa sa mga mambabatas, sa kasalukuyang statutory leaves, bagamat may maternity o paternity leave, parental leave para sa solo parents, special leave for women at leave sa ilalim ng Violence Against Women Act, wala pa anilang leave na para lang sa mga namatayan.
Sakaling maipasa naman ito, pagbabayarin ng P20K ang anumang kumpanya na lalabag dito o kaya’y pagkakakulong ng 15 araw hanggang isang buwan.