10 estudyante sa Occidental Mindoro, na-collapse dahil sa matinding init

10 estudyante sa Occidental Mindoro, na-collapse dahil sa matinding init

NAKARANAS ng pagkahilo o nahimatay ang 10 mag-aaral habang nasa kanilang klase sanhi ng El Niño o sobrang init na nararanasan kasabay ng  brown out sa lugar mula Marso hanggang Abril 18.

Agad namang binigyang-lunas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO).

4 ang nakaranas sa San Jose National High School (SJNHS), 3 naman sa Pedro T. Mendiola, Sr. Memorial National High School (PTMSMNHS), 2 sa Philippine Central Islands College (PCIC), at 1 sa Occidental Mindoro State College (OMSC).

Ayon sa MDRRMO, sa kasalukuyan ay maayos na ang kalagayan ng mga mag-aaral.

Pinag-aaralan na ng DepEd ang posibilidad na pagbabalik ng dating academic calendar na bakasyon ng mga estudyante na buwan ng Abril at Mayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter