10 killer whales, na-trap sa nagyeyelong dagat sa Japan

10 killer whales, na-trap sa nagyeyelong dagat sa Japan

MISTULANG na-trap ang 10 killer whales sa nagyeyelong bahagi ng dagat sa Hokkaido, Japan.

Sinabi ng Japanese public broadcaster na NHK, hindi matutulungan ng mga residente doon ang killer whales dahil din sa ice flow.

Aantayin na lang anila na kusang matunaw ang yelo.

Sa isang video footage, makikita ang killer whales na hirap sa paghinga at paglangoy.

Noong taong 2005 ay nangyari na rin na na-trap sa yelo ang siyam na killer whales at namatay ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble