TINATAYANG nasa 100-K na mga kabataan sa Afghanistan ang nangangailangan ng suporta matapos ang tatlong buwan na pagyanig ng lindol doon.
Ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), nananatiling nasa recovery stage pa ang mga kabataan doon dahil sa trauma.
Ang mga kabataan pa na nasa temporary shelters ay tinitiis ang lamig nang dumating ang winter season.
Nananatili ring sira ang mga paaralan at health centers sa bansa.
Sa ngayon, nangangailangan ang UNICEF ngayong taon ng $1.4-B para sa humanitarian response nito sa 19.4 na milyong Afghans.