1,000 indigent QCitizen tumanggap na tulong sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation

1,000 indigent QCitizen tumanggap na tulong sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation

NAGPAABOT ng pasasalamat ang indigent QCitizen sa ikalawang distrito sa kanilang tinanggap na pinansiyal na tulong.

Aabot sa 1,000 indigent QCitizen ang tumangap na tulong sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at opisina ni Sen. Bong Go sa pakikipagtulungan sa opisina ni Councilor Mikey Belmonte.

Pinangunahan ni Sen. Bong Go ang programa, na pinaunlakan nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Mikey Belmonte, Coun. Godie Liban, at mga barangay official sa District 2.

Bawat benepisyaryo ng AICS ay nakatanggap din ng food packs at vitamins.

Kasabay nito, binuksan din ang bagong multi-purpose hall sa Brgy. Payatas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter