PINUTOL na ng 107 mass supporters ng CPP-NPA-NDF ang ugnayan ng mga ito sa teroristang grupo sa isang barangay sa Southern Leyte.
Bumaliktad ang isang barangay na tagasuporta ng mga rebeldeng grupo dahil sa mga programa ng gobyerno na tumutulong sa mga kababayan na apektado ng nangyayaring isurhensiya.
Nagboluntaryo ang mga ito na iharap ang kanilang sarili sa Municipal Task Force (MTF) ELCAC ng San Juan, Southern Leyte at 14th Infantry (Avenger) Battalion, 8th Infantry Division, PA.
Ginanap ang simpleng seremonya sa Barangay Somoje, San Juan, Southern Leyte noong Nobyembre 10, 2021.
Dinaluhan din ni Hon. Virgilio A. Mortera, Municipal Mayor at Chairman ng Municipal Task Force ELCAC (MTF-ELCAC) ng San Juan, Southern Leyte ang Oath Taking Ceremony habang nanunumpa ng katapatan sa gobyerno ang 107 mass supporters ng CPP-NPA-NDF.
Ang pag tiwalag ng mass supporter ay resulta ng collaborative efforts ng San Juan MTF-ELCAC, Southern Leyte Tandaya Integrated Peace and Development Workers Association (SLIPDWA) at 14IB.
Ang Barangay Somoje ay itinuturing na Geographically Isolated and Disadvantage Area (GIDA) at dating bahagi ng baseng gerilya ng CPP-NPA-NDF mula pa noong dekada 80.
Anila, ang pangunahing dahilan kung bakit nila pinutol ang kanilang ugnayan sa CPP-NPA-NDF terrorist group ay nakita ng mga ito ang programa ng Task Force ELCAC.
Tumutugon ang nasabing programa sa mga pangangailangan ng mga tao na nasa malalayong lugar.
Partikular na dito ang Serbisyo Caravan na isinasagawa ng Regional Task Force ELCAC 8 kasabay ng Provincial at Municipal Task Forces ELCAC sa Southern Leyte.
Ang Brgy Samoje ay binansagang NPA supporters bagay na kanilang pinatunayan na tapos na ang panahon na yun sa pamamagitan ng panunumpa.