AABOT sa sampung libong police personnel ang nakatakdang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila ngayong paggunita ng Undas.
Ayon kay NCRPO spokesperson LtCol. Dexter Versola, titiyakin ng mga tauhan nito na maging malinis, mapayapa, at maayos ang paggunita ng Undas laban sa kriminalidad.
Mga pangunahing sementeryo ang prayoridad na tututukan ng PNP dahil sa inaasahang pagdagsa ng tao kasabay ng pagbaba ng COVID-19 restrictions sa bansa.
Samantala, inaasahan din ng PNP na tutupad pa rin ang publiko sa pagsusuot ng face mask habang dumadalaw sa mga puntod ng mahal nila sa buhay upang matiyak na maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Samantala, mariing pinaalalahanan ng PNP ang publiko na huwag iwanan ang mga bahay na nakasaksak ang mga kable ng appliances upang makaiwas sa insidente ng sunog.
Siguraduhin nakasara nang maayos ang mga tahanan lalo na kung walang maiiwan na tao upang hindi ito pasukin ng mga magnanakaw.
Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa publiko na huwag magdadala ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga sementeryo gaya ng matutulis na bagay, baraha o mga gamit pansugal, speaker, at mga kahalintulad na bagay upang hindi makadistorbo sa iba pang ginugunita ang panahon ng Undas.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Manila LGU, naglabas na ng road closure advisory para ngayong Undas
OTS, may paalala sa mga pasahero ngayong darating na Undas upang hindi maabala
Vendors, hindi makakapasok sa Manila South Cemetery ngayong Undas
Zero crime, target ng NCRPO ngayong Undas 2022