14 na national roads hindi madaanan kasunod ng malakas na lindol

14 na national roads hindi madaanan kasunod ng malakas na lindol

UMABOT sa 14 na national road sa Luzon ang hindi madaanan dahil sa pagtama ng malakas na lindol ayon sa inisyal na ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasunod ng malakas na magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon, agad na nag-deploy ng quick response team ang DPWH para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa mga national roads, tulay at iba pang imprastruktura.

“Our teams of engineers are conducting assessment to evaluate the structural integrity and damage caused by the earthquake as we simultaneously clear debris along national roads and bridges,” pahayag ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan.

Sa ngayon batay sa initial report ng ahensiya mayroong kabuuang 14 na national roads na impassable o hindi madaanan.

Ilan sa mga national road na ito ay mula sa Abra at Cordillera Administrative Region (CAR).

Mayroon ding mga tulay na kumukunekta sa Abra at malalapit na probinsiya ang nasira dahil sa pagyanig.

Ayon sa DPWH ilan sa mga kalsada na nakasara ngayon ay ang Kalinga Road, Abra-Ilocos Norte Road, Calaba Bridge at Abra Cervantes Road.

Ilan sa mga kalsada nakasara sa bahagi ng CAR ay ang Kennon Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road, Bobok Bisal, Bokod, Poblacion-Bokod, Baguio-Itogon Road, Itogon Bridge, Congressman Andres Acop Cosalan Road, at Gov. Bado Dangawa National Road.

Impassable o hindi rin madaanan ang Kalinga-Abra Road sa Ableg, Pail, Pantikian papuntang Ballasang, Balbalan at Lubuagan-Batong Buhay Road sa Upper Kalinga, Banaue-Hungdian-Benguet Boundary Road.

Ganun din ang Wang Wang, Tinoc sa Ifugao, Baguio-Bontoc Road, Mt. Province- Cagayan via Tabuk- Enrile Road, Mt. Province- Ilocos Sur Road via Tue.

7 roads naman ang may limited access sa CAR at Region 1.

Kabilang ang Asin Road, K0305+820 Asin, Baguio City; Palispis Marcos Highway, K0273+780, Poblacion, Tuba, Benguet; Baguio-Bontoc Road, Balili Bridge, Benguet; Benguet-Nueva Vizcaya K0254+300, Sitio Lamut, Beckel, La Trinidad, Benguet; Congressman Andres Acop Cosalan Road K0318+800, Sitio, Bugao, Brgy. Adaoay, Kabayan, Benguet; Baguio – Bauang Road, K0296+600 LS, Tadiangan, Tuba, Benguet; Calungbuyan Bridge, Santa Rancho, Santa, Ilocos Sur.

Sa ngayon ay patuloy na kumukulekta ng impormasyon ang DPWH sa mga hardly hit area ng lindol.

 

Follow SMNI News on Twitter