14 projects mula sa natanggap na investment pledges ni PBBM, naisakatuparan na

14 projects mula sa natanggap na investment pledges ni PBBM, naisakatuparan na

NAISAKATUPARAN na ang 14 projects mula sa natanggap na investment pledges ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Mayroon nang 14 na proyekto mula sa ipinangakong investments kay PBBM tuwing bibisita ito sa ibang bansa.

Ibinida ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual sa panayam ng SMNI News kasunod sa matagumpay na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos nitong Hulyo 24.

Tiniyak naman ni Pascual na tuluy-tuloy ang pagsasakatuparan ng nakuha na investment pledges ni Pangulong Marcos.

Ang foreign investments aniya ay hindi lang nagdadala ng kapital kundi pati na rin teknolohiya sa bansa.

Malaking tulong din ang ‘green lane’ na ipinag-utos ni Pangulong Marcos upang mas mapadali ang proseso halimbawa ng pagtatayo ng mga pabrika o kompanya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter