147 wanted persons, huli sa isang linggong operasyon ng PNP CIDG

147 wanted persons, huli sa isang linggong operasyon ng PNP CIDG

UMABOT sa 147 wanted persons ang nahuli ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang isang linggong CIDG Intensified Anti-Criminality Operation (CIACO).

Sa ulat kay CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee, mula sa 147, 113 indibidwal ang nahuli sa pamamagitan ng flagship project ng CIDG na ‘Oplan Pagtugis’.

Kabilang dito ang 3 regional level most wanted persons, 8 provincial level most wanted persons, 12 municipal o city level most wanted persons at 90 iba pang wanted persons.

Nakakulong ngayon ang mga akusado sa mga yunit ng PNP na umaresto sa kanila habang hinihintay ang pagbabalik ng nasabing mga warrant of arrest sa court of origin.

Iginiit ni General Lee na patunay ang pagkakaaresto sa most wanted persons sa pagnanais nila na masiguro na ligtas at maayos ang mga komunidad, alinsunod sa programang M+K+K=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Kaunlaran ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr.

Follow SMNI NEWS in Twitter