UMABOT hanggang “danger level” ang heat index ng 15 lokasyon sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Mayo 7, 2023, ang mga lugar na ito ay Dipolog, Zamboanga del Norte, Daet, Camarines Norte, Legazpi City, Albay, Zamboanga City, Zamboanga del Sur, Aparri, Cagayan, Iba, Zambales, at Infanta, Quezon.
Maging ang Masbate City, Roxas City, Capiz, Catarman, Northern Samar, Dagupan City, Pangasinan, Laoag City, Ilocos Norte, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City, San Jose, Occidental Mindoro, at Sinait, Ilocos Sur.
Ang mga heat index ng mga lugar na ito ayon sa PAGASA ay umaabot ng 42 °C – 51 °C.
Bilang resulta sa pagkakaroon ng danger level na heat index ay ang heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.