15 opisyal, tauhan ng PNP PRO 11, SAF at CIDG, sinibak sa puwesto kasunod ng diumano’y overkill na operasyon sa raid sa KOJC religious compounds sa Davao City

15 opisyal, tauhan ng PNP PRO 11, SAF at CIDG, sinibak sa puwesto kasunod ng diumano’y overkill na operasyon sa raid sa KOJC religious compounds sa Davao City

NASA 15 opisyal at PNP personnel mula sa PNP PRO 11, PNP-SAF at CIDG ang nahaharap ngayon sa kasong administratibo upang bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa posibleng mga naging pagkukulang ng mga operatiba na nagraid sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious compounds sa Davao City nitong Lunes Hunyo 10, 2024.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, pansamantalang inilipat sa Philippine Holding and Accounting Unit ang 9 na pulis mula sa CIDG, 2 mula sa PNP-SAF, 1 ng traffic enforcement unit.

Una nang sinibak sa puwesto sina PNP PRO 11 Regional Director PBGen. Aligre Martinez, Directorate for Operations PMGen. Ronald Lee at PCol. Edwin Portento ng Intelligence Group na may direktang kinalaman sa operasyon ng kanilang mga tauhan kaugnay sa marahas at bayolenteng aksiyon nito habang isinisilbi ang warrant of arrest sa mga compound ng KOJC.

Posible namang madagdagan pa ang bilang ng mga makakasuhan ng administratibo habang gumugulong ang imbestigasyon ng PNP dahil sa nasabing raid laban sa KOJC.

Sa ngayon, papalit kay Martinez si PBGen. Nicolas Torre mula sa Communication and Engineering Service habang inatasan naman ito ng PNP na gawin ang kaniyang mandato sa nasasakupan nitong rehiyon.

Nauna nang iginiit ng legal counsel at mga miyembro ng KOJC na sobra at nakakalula ang bilang ng mga pulis na nagtungo sa mga religious compound nito habang kitang-kita ang pagdadala ng matataas na kalibre ng armas at bazooka sa gitna ng kanilang operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble