152M COVID-19 freezers, ‘di ginagamit— COA

152M COVID-19 freezers, ‘di ginagamit— COA

MISTULANG masasayang lang ang P152M na halaga ng ultra-low-temperature freezers na binili ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination program.

Sa ulat ng Commission on Audit (COA), nananatiling naka-tengga ito at maaaring magamit sana sa pag-iimbak ng mga gamot para sa sakit na cancer, clinical specimens, microorganisms, at iba pang biological products para sa research.

Dahil dito, ayon sa COA, bigo na mai-maximize ang pondo ng pamahalaan at mga donasyon na inilaan para dito.

Sa datos, 251.7M (251,774,460) doses ng COVID-19 vaccines ang nabili o na-donate sa Pilipinas as of Sept 2023, ngunit 68.7M (68,681,445) doses ang naiulat na nasayang as of Nov 2024.

Ang COVID-19 national vaccination program ay ipinatupad mula 2021 hanggang 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble